Alam nyo na ba ang Coins.ph? Actually, nakalimutan ko na kung saan ko nakita 'tong website na 'to. Basta for me, effective 'to. Here's the link for you to better understand Coins.ph. User-friendly naman yung site na'to, di sya ganon ka-complicated.
Nung una di ko pa sya masyadong naintindihan. Nag sign-up ako pero di ko agad ginamit for paying bills or sending e-loads. Pero one time nag-log in ako, tapos nag-try ako na lagyan ng fund yung PESO WALLET ko. Di naman ako natakot na maglagay ng fund since gusto ko talaga i-try if effective tsaka for Php300.00 muna.
Makikita sa website yung icon na "Make a deposit" then lalabas yung reference number na ipapakita mo sa establishment kung saan ka magbabayad para mareceive mo sa wallet mo yung desire amount mo. Makaka-receive din ng SMS and e-mail for the details of sending funds to your wallet. Pumunta ako sa 7Eleven Store na ilang hakbang lang ang layo sa amin kaya talagang OK lang kung i-try ko. Makaka-receive din ng SMS and e-mail na naging succesful yung paglalagay mo ng fund. Kaya pagka-log in ko ulit, ayun, may fund na yung Peso Wallet ko.
Una akong nag-try magsend ng e-load sa kapitbahay namin. Yun nga lang, ang down side nya, regular loads lang ang pwede mo i-send at di pwede yung pa-piso pisong dagdag. Pero OK naman sya especially if sariling prepaid sim mo lang ang loloadan mo. After 2 days, nilagyan ko ulit ng fund yung wallet ko for paying postpaid plan bill. Nakalagay dun na, 3 business days yung transaction ng payment, pero one day lang, may nareceive ako na SMS and e-mail na settled na daw yung payment ko. Pati dun sa telecom which I paid, naka-receive rin ako na successful yung payment ko. Good thing is, di na ako nag-aksaya ng pamasahe going to the mall where I usually pay my bill, plus may rebate pa na Php5.00. Bongga naman di ba.
Why use Coins.ph?
- EASY to use- You can SAVE money
- You can EARN money
- You can save TIME and EFFORT
SERVICE PROVIDERS you can pay using COINS.ph
No comments:
Post a Comment