My new found food is Goldilocks' Choco Cherry Torte Cake!
Super delicious nya and hindi nakaka-umay. Tamang-tama lang yung sweetness nya for me. Plus, yung cherry on top with chocolate chips, heaven! Yung price nya is very reasonable. Yung tig-Php355.00 lang yung na-afford ko na lang bilhin that day.
It was my mother-in-laws 53rd birthday. She just asked me if we can go to the couturier para sa dress ng mga bridesmaids for my sister-in-laws wedding. Na-late na kami natapos, mga past 6 in the evening na rin kaya no time na mamili at magluto. Kaya nagyaya ako na mag-Jollibee na lang at dun na kumain, although preferred ng father-in-law ko na take home na lang daw kasi gabi na nga. Pero pinilit ko pa rin na dun na kami sa store kumain.
Pagka-order ko, bumili na agad ako ng cake sa Goldilocks which is malapit lang sa store ng Jollibee. Pag-balik ko para kumain, tapos na agad si Papa kumain kaya umorder pa ulit sya ng burger and fries. Nakisuyo na lang sya dun sa isang dining para umorder for him. Pagbalik ni dining dala yung order ng FIL ko, binulungan ko yung dining. Sabi ko, nasaan na yung "Happy Birthday" song for my mother-in-law.
Buti ang babait ng naka-duty that shift sa store, pati yung manager. Ayun, pinatawag ako ng manager, tinanong kung sinong celebrant at kung may cake ba daw kami. Pinaabot ko yung very delicious na Goldilocks Choco Cherry Torte Cake. Ilang minuto lang, ayun, dinayo na yung table namin ng mga crew at kinantahan na nila si MIL ko. Kudos to the manager and crews na nag-effort para ma-grant yung favor ko.
Minsan talaga mas effective pa yung di pinaplano o biglaang lakad. Mas nagiging masaya at genuine talaga yung surprise. Sayang lang wala si hubby ko (currently an OFW). Mas masaya sana ako. But anyway, buti na lang talaga at birthday ni MIL ko kaya nagkaroon ako ng time maka-visit ulit sa Goldilocks store.